Sabado, Setyembre 16, 2017
TORPE
Meron akong nagustuhan na isang babae
Tanging problema lang di alam ang dumiskarte
Kapag nandyan na siya akoy natatamimi
Aaminin ko akoy isang lalaki na torpe
Kaya ang ginagawa ay dinadaan ko sa tingin
At pag siya ay lumingon diko na siya papansinin
Sa bawat oras at minuto siya ay aking naiisip
At pagsapit ng gabi siya ang laman ng panaginip
At pagdating ng umaga gusto agad kitang makita
Dahil ikaw ang nagdudulot sakin ng tunay na ligaya
Kaya ang nadaramay gusto kunang aminin
Na sa iyoy akoy merong pagtingin
Ngunit may bumabagabag sa aking isip
Na baka pag nagtapat bigla kang magalit
Na dimo ako gusto at meron kang iba
Kaya itatago muna ang aking nadarama
Magaantay ako nang tamang panahon
Lakas nang aking loob ay magiipon
At ililihim muna ang aking nararamdaman
Mamahalin muna kita bilang aking kaibigan
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Salamat aking guro
Sa lahat lahat nang mga guro sa buong mundo K...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento