Utang ko sayo Ama ang lahat saking buhay
Pagibig moy wagas maraming bagay ang patunay
Pinasan lahat ng hirap kahit dimo kasalanan
Inalay mo ang buhay para sa sanlibutan
Dakila ka Ama tunay walang kapantay
Kahit ang buhay ko sayoy buong buo kung iyaalay
Ikaw ang Diyos na may likha sanlibutan langit at lupa
Ang lahat ay minahal mayaman man o dukha
Kapag akoy nalulungkot at madalas inaapi
Iniiyak ko ang lahat andyan ka sa aking tabi
Sa bawat luhang pumatak tinawag mo akong Anak
Sa haplos ng iyong kamay ang puso koy nagagalak
Bawat problemang dumating at pagsubok na hinarap
Lakas loob na sumabay ang isang tulad kung mahirap
Maraming tao ang sakim mga sumasamba sa pera
Ang tunay na may lalang maraming di nakakilala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento