Linggo, Setyembre 24, 2017
Social media
Paano nga ba nakakatulong ang social media sa sa mga tao.
Nakakatulong ang social media sa mga tao upang mapadali ang
mga bagay bagay tulad ng kumunikasyon.Dati kasi para makausap ang
mahal mo na nasa malayong lugar kailangat mo pang magsulat at ipadala ito
sa cost office pero sa panahon ngayon kailangan mo lang ng callphone at
ibang gadget para makausap ang taong mahal mo.
Ginagamit na rin ang social media sa negosyo tulad ng oline shoping.
Pwedi kang bumili gamit ang social media ng ibat ibang bagay
Tulad ng gamit na pampaganda sa katawan.
Marami ding mga tao ang sumisikat dahil sa social media
dahil sa ginagamit nilang youtube isa na jan sina Moy moy palaboy at
si Roadfil sumikat sila dahil maraming tao ang nakakapanuod dahil sa
youtube.
Milyong milyong tao na ang gumagamit ng social media. Hindi kailangang
ikaw ay journalist,politiko o may posisyon kundi kahit ang sempling tao
ay pweding gumamit nito.pero marami ring tao ang ginagamit ang
social media sa mga masasamang gawain nila.
Sabado, Setyembre 16, 2017
TORPE
Meron akong nagustuhan na isang babae
Tanging problema lang di alam ang dumiskarte
Kapag nandyan na siya akoy natatamimi
Aaminin ko akoy isang lalaki na torpe
Kaya ang ginagawa ay dinadaan ko sa tingin
At pag siya ay lumingon diko na siya papansinin
Sa bawat oras at minuto siya ay aking naiisip
At pagsapit ng gabi siya ang laman ng panaginip
At pagdating ng umaga gusto agad kitang makita
Dahil ikaw ang nagdudulot sakin ng tunay na ligaya
Kaya ang nadaramay gusto kunang aminin
Na sa iyoy akoy merong pagtingin
Ngunit may bumabagabag sa aking isip
Na baka pag nagtapat bigla kang magalit
Na dimo ako gusto at meron kang iba
Kaya itatago muna ang aking nadarama
Magaantay ako nang tamang panahon
Lakas nang aking loob ay magiipon
At ililihim muna ang aking nararamdaman
Mamahalin muna kita bilang aking kaibigan
Biyernes, Setyembre 8, 2017
Dakila ka Ama
Utang ko sayo Ama ang lahat saking buhay
Pagibig moy wagas maraming bagay ang patunay
Pinasan lahat ng hirap kahit dimo kasalanan
Inalay mo ang buhay para sa sanlibutan
Dakila ka Ama tunay walang kapantay
Kahit ang buhay ko sayoy buong buo kung iyaalay
Ikaw ang Diyos na may likha sanlibutan langit at lupa
Ang lahat ay minahal mayaman man o dukha
Kapag akoy nalulungkot at madalas inaapi
Iniiyak ko ang lahat andyan ka sa aking tabi
Sa bawat luhang pumatak tinawag mo akong Anak
Sa haplos ng iyong kamay ang puso koy nagagalak
Bawat problemang dumating at pagsubok na hinarap
Lakas loob na sumabay ang isang tulad kung mahirap
Maraming tao ang sakim mga sumasamba sa pera
Ang tunay na may lalang maraming di nakakilala.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Salamat aking guro
Sa lahat lahat nang mga guro sa buong mundo K...